Pare, kaya mo ‘yan

ONE MORE CHANCE

Magandang umaga kaibigan, ika”y puyat nanaman

Hindi makatulog, hindi mapakali

Anong bumabagabag sayo’t hindi ka mapalagay

Marahil siya nanaman ang dahilan ng mga matang mapupungay

Oo, hindi, pwede. Ito ba’y pinoy henyo?

Ikaw ay maghunusdili hijo, pagusapan natin ito

Normal lang na siya ay iyong iyakan, ngunit ang sarili ay wag pahirapan

 Tandaan mo na ang labis na pag-iisip ay masama sa katawan

Ano nga ang gumugulo sayo kaibigan, pwede mo kaming lapitan

Baka ikaw ay aming matulungan at maibsan ang problemang nararamdaman

Ganyan talaga ang pag-ibig

Papagurin ang iyong isipan at bubutasin ang iyong tiyan

Alam mo, Ikaw din naman ang may kasalanan

Kung bakit ka nagkaka-ganyan

“I’ll miss you like crazy”  tuloy ang iyong kinahantungan

Hindi ko maintindihan sayo kung bakit mo nagawa ang bagay na iyan

Nasayo na ang dream girl mo, pinakawalan mo pa

Sa ginawa mong ‘yun akala mo cool ka

Marahil labis-labis ang iyong pagsisisi ngayon

Dahil maaaring hindi na natin maibabalik ang kahapon

Ang aking maipapayo sayo ay ganito

Sa susunod na umibig, temptasyon ay iwasan at

Mahalin ang sinta ng lubusan

Upang hindi na muling maranasan ang lungkot at panghihinayang

Hindi pa huli ang lahat, may magagawa ka pa

“Habang may buhay may pag-asa”

Ika nga ni kuya Kim, “Weather-weather lang yan”

Pare 1: O, Sya alis na ako, baka ako ay mahuli

Pare 2: Salamat sa oras at payo pare

Saan nga pala ang iyong gawi?

Pare 1: Susunduin ang X mo

Paalam!

😦

[Pare ito na young request mong tula. Pagpa-syensyahan mo na tong tulang ginawa ko. Hindi naman talaga ako nagawa ng mga ganyan. Sana magustuhan mo…]

Advertisements

Hey! Don't leave without sharing anything.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s